Ano ang hyperthyroidism ?

MADALING makikilala kung ang isang tao ay may hyperthyroidism. Siya ay may nakausling mga mata, madalas makaranas ng pagdumi, may insomnia, may menstrual problems, sensitive sa init, madalas ang tibok ng pulso, malaki ang thyroid gland, hindi nadadagdagan ang timbang, magagalitin at nerbiyoso.

Ang hyperthyroidism ay overfunctioning ng thyroid gland sa leeg. At kapag overfunction o over active ang thyroid gland nakapagproduce ito ng mataas na metabolism dahilan para ang katawan ay mag-fast forward. Mabilis ang pacing. Hindi ba’t ang gusto ng mga tao ay magkaroon ng extra energy? But what do you do if your body wants to go at a faster pace than you want it to? Ganyan ang nangyayari kapag may overfunctioning ng thyroid gland.

May mga paraan na magagawa para mag-slow down. Una, basahin ang label ng inyong gamot. Maraming nutritional supplements na nagtataglay ng animal hormones. Ang mga ito ang nagiging dahilan para mag-overdrive ang inyong gland. Maraming pag-aaral na ang isinagawa sa mga taong humingi ng advice sa ukol sa hyperthyroidism at napag-alaman na karamihan sa kanila ay nagtake ng large doses ng nutritional supplement na may animal thyroid hormones. Nang tumigil sila sa pagtake nito, bumalik sa normal ang kanilang gland.

Ang stress ay dahilan din para magsecrete ng thyroid hormones kaya mag-relax. Kumain ng mga pagkaing mayaman sa protein gaya ng karne, cheese, beans at peas, ang Vitamin A ay maaari ring makatulong. Ang Radioactive iodine at operasyon ay ginagawa para magamot ang overactive thyroid.

Sa mga mild cases ng hyperthyroidism, ang anti-thyroid drug theraphy ay maaaring gamitin. Sa pamamagitan ng relaxation at healthy eating, matutulungan ang inyong katawan na maibalik sa dating magandang kalusugan.

Show comments