Ang Simbahang Katoliko ay mariing kinokondena ang mga birth control pills o contraceptives. Isinusulong naman ng mga advocates ng family planning na gumamit ng contraceptives para makontrol ang pagbubuntis at nang hindi lumobo ang populasyon. Ayon naman sa mga eksperto, hindi epektibo ang withdrawal at calendar rhythm.
Si Cavite Rep. Gilbert Remulla, ay isa sa mga pabor sa paggamit ng condom at iba pang birth control devices. Ayon sa kanya, praktikal na paraan ito para maiwasan ang pagbubuntis. Popular din ang IUD (intra-uterine-device). Itoy ang paglalagay ng plastic sa uterus para mahadlangan ang pagpasok sa sperm cell ng lalaki sa obaryo ng babae. May mga babaing nagpapa-tubal ligation. Tinatalian o ginugupit ang fallopian tube ng babae para huwag mabuntis. Maraming mister ang nagsasabing bitin sila at hindi umaabot sa sukdulan kapag may condom.
Lumulobo ang populasyon kaya nararapat lamang na gumawa ng hakbang ang gobyerno para ito mapigilan. Ano ba ang tama? Siguro papiliin na lang ang mag-asawa sa kanilang nais na paraan para magplano ng pamilya.