^

PSN Opinyon

EDITORYAL - May makalaboso kayang illegal loggers?

-
HANGGA’T hindi nakikita na walang ipinapasok sa kulungan na mga illegal loggers, mahirap paniwalaang seryoso nga ang gobyerno sa kanilang kampanya laban sa mga "tulisan ng kagubatan". Kailangang maipakita ang ebidensiya na talagang nasa kulungan ang mga illegal loggers para masiyahan ang taumbayan lalo pa ang mga naging biktima ng landslide at mga pagbaha sa maraming lugar sa bansa. Kapag nasa kulungan na ang mga "tulisan" mababawasan na ang kirot na nadarama ng mga napinsala ng kalamidad. Maaaring malimutan na ang masamang bangungot na sa iglap ay biglang dumating sa kanilang buhay.

Kinasuhan na ni Environment Sec. Mike Defensor ang 19 na tao kabilang ang dalawang korporasyon na sangkot sa illegal logging activities. Kasong kriminal ang isinampa sa kanila. Ayon pa kay Defensor, inihahanda na rin ang pagsasampa ng administrative charges laban sa 15 barangay officials kung saan, ayon sa secretary ay hindi nakipag-cooperate sa kanila para matukoy ang mga illegal loggers. Ayon naman sa justice department, pinag-aaralan nila kung sasampahan na rin ng economic sabotage ang 19 kataong kinilala ni Defensor.

Magandang balita ito para sa mga nasalanta ng pagguho ng lupa at pagbaha lalo pa sa Real, Infanta at Nakar sa Quezon at ganoon din naman sa Dinggalan, Aurora. Pero ang tanong, mabilis bang gigiling ang batas laban sa mga illegal loggers? Mabilis ba silang maihahatid sa kulungan o kasingbagal din ng mga kasong hanggang ngayon ay nakabimbin sa Korte?

Ang 19 na illegal loggers ay kinasuhan ng paglabag sa Presidential Decree No. 705 o ang Revise Forestry Code of the Philippines. Ang illegal logging sa ilalim ng batas ay may kaparusahang anim hanggang 20 taong pagkabilanggo.

Maganda ngang balita na may nakasuhan ng mga illegal logger. Pero nakapagtatakang hindi naman naisama ni Defensor ang una niyang binunyag na may mga pulitikong sangkot sa operasyon ng illegal logging. Ayon kay Defensor, tatlong mayor at isang dating congressman ang protector ng mga illegal loggers hindi lamang sa Quezon kundi pati sa Mindanao. Nasaan na ang mga ito? Ibinunyag ito ni Defensor makaraang magbangayan sila ni Sen. Jamby Madrigal. Inakusahan ni Defensor ang pamilya ni Madrigal na sangkot sa mining operations at illegal logging. Itinanggi naman ito ni Madrigal.

Labis na masisiyahan ang marami kung mabubulok sa bilangguan ang mga illegal loggers para hindi na maulit ang ngitngit ng kalikasan.

vuukle comment

AYON

DEFENSOR

ENVIRONMENT SEC

ILLEGAL

JAMBY MADRIGAL

LOGGERS

MIKE DEFENSOR

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with