Ang hinog na saging ay gamot sa mga may loose bowel movement (LBM). Ang taglay nitong potassium ay mahusay na lunas sa dehydration at mga sinisikmura. Gamot din ito sa mga nahihilo at may alta presyon.
Ang balat ng saging ay gamot din sa sugat at pang-alis din ng tagihawat. Ang banana shake ay mainam na pangtanggal ng hang-over. Ang saging na saba ay pansahog sa mga nilulutong ulam gaya ng puchero, mechado, nilagang baka at kare-kare. Siyempre marami ang may gusto ng bananacue at saging con yelo na paborito ni Cora Alonzo ng Valenzuela City.