Ang kayamanan at ang perlas
July 28, 2004 | 12:00am
ANG perlas ay isang mamahaling hiyas. Kapag ang isang tao ay nakatagpo ng magandang perlas, lahat ay kanyang ginagawa - hanggang sa punto na ipagbili niya ang lahat upang makamtan ito. Ginamit ni Jesus ang talinghagang ito upang ipaliwanag ang kahulugan ng kaharian o paghahari ng Diyos (Mt. 13:44-46).
"Ang paghahari ng Diyos ay katulad ng kayamanang nakabaon sa isang bukid. Nahukay ito ng isang tao at tinabunan uli. Sa laki ng tuwa, siyay humayo at ipinagbili ang lahat ng ari-arian niya at binili ang bukid na iyon.
"Gayon din naman, ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: May isang mangangalakal na naghahanap ng mamahaling perlas. Nang makakita ng isang perlas na napakahalaga, siyay humayo at ipinagbili ang lahat-lahat ng kanyang ari-arian at binili iyon."
Sa Ebanghelyo ni Mateo, unang ibinigay niya ang talinghaga ng kayamanang nakabaon sa isang bukid, pagkatapos ay inilahad niya ang talinghaga ng perlas, upang ipaliwanag ang kahalagahan ng kaharian ng Diyos. Ang lalaking nakatagpo sa kayamanang nakabaon sa isang bukid ay ipinagbili ang lahat-lahat ng kanyang mga ari-arian upang makamtan ang kayamanang nasa naturang bukid. Dahil nabili na niya ang bukid, kanya na rin ang kayamanan.
Sa dalawang talinghaga ng kayamanan at ng perlas, itinuturo ni Jesus sa atin na ang pagmamay-ari ng paghahari o kaharian ng Diyos ay napakahalaga, kung kaya dapat tayong maging handa na isakripisyo ang lahat-lahat na mayroon tayo upang mapaghari ang Diyos sa ating mga pusot buhay. Sa kongkreto, nangangahulugan ito ng kahandaan at kagustuhang isakatuparan ang kalooban ng Diyos.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
June 22, 2026 - 12:00am