Pangalagaan ang mga paa
June 27, 2004 | 12:00am
MAHALAGA ang mga paa kaya dapat pangalagaan. Ang mga paa ang nagdadala ng halos lahat ng bigat ng ating katawan. Nakakalakad, nakakatakbo nakakalundag, nakakasipa, nakakalangoy, nakakasayaw tayo dahil sa mga paa. Kapag tayoy pagod sa paglalakad at sa pagtatrabaho dapat na ipahinga ang mga paa.
Ngayong meron nang foot spa malaking ginhawa ang dulot nito sa mga paa. Inirerekomenda rin ang paglangoy sa dagat at pagtapak sa mainit na buhangin sa dalampasigan. May dulot itong ginhawa lalo na sa may varicose veins.
Sa pangangalaga ng paa mahalaga ang sapatos na ating isinusuot. Dapat na ang sapatos ay komportable. Ipinapayo ang malambot at flexible na sapatos. Nakakabawas ng pressure sa paa ang hindi parating pagsusuot ng high heeled shoes. Mas kumportable kung mababa ang takong ng sapatos.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest