Wala pang isang buwan lang ang nakararaan ay naging mahigpit ang laban kontra pornography sa mga diyaryo at magazines. May mga publications na pinad-lock. Ang mga nasamsam na porno materials ay sinunog. Subalit ngayon balik na naman sa mga newstands at mga bangketa ang malalaswang babasahin. May mga retrato ng mga seksing artista at mga lalaking modelo na hubot-hubad at mga larawan din ng mga magkakaparehang nagtatalik. Isang tabloid ang halos ay mapuno ng larawan ng mga nagse-sex at mga lathain na magpapa-init ng laman ng mga mambabasa. Hindi lang mga Pinoy kundi mga dayuhan lalo na ang mga porno stars sa mga x-rated na video ay nalathala na rin.
Ang tanong ng BANTAY KAPWA ay ito: Bakit patuloy ang pagbebenta ng malalaswang babasahing ito? Ningas kugon lang ba ang kampanya ng gobyerno laban sa mga smuts at pornography na masama at malaki ang pinsalang dulot lalo na sa ating mga kabataan?