^

PSN Opinyon

Text messages

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
SA mga nakaraan nating mga column ay hindi tayo nakapaglathala ng mga text messages na pinadadala sa atin.  Para sa mga loyal nating taga subaybay, paumanhin dahil dati kahit na pakonti konti ay nailalabas natin ang mga niloloob ninyo sa pamamagitan ng inyong mga text messages. 

Aaminin kong talagang nag-uumapaw na at libo na ang text messages na nakukuha natin, kaya para sa column na ito, kayo naman ang bida. Pasensya nga lang at sa dami ay hindi pa rin natin mapagbibigyan ang lahat.

Marami rin ang mga tumugon sa ating katanungan kung naniniwala ba sila sa mga expose‚ ni Sen. Panfilo "Ping" Lacson at ni dating senator Francisco "Kit" Tatad at kung iboboto pa ba nila bilang senador si Robert Barbers.

Kaya para mas meron kayong espasyo, mga text na tayo agad.
* * *
Oo nniwl ako s mga prtang nila kay Arroyo, hndi n sya dpat pang iboto s drating n election. —09192444538;  Naniniwala ako kc masyado ng garapal ang pamahalaan lalo nc c Gloria at asawang c jose pidal. —091698000252; Naniniwala ako sa expose ni sen lacson at tatad.  Hinde o na ibubu2 c barbers dahil hndi cya karapatdapat na mahalal uli dhil pinaglalaban ang mga taong sangkot sa katiwalian. —09183722770; 

Mganda c sen barbers blang anti drug czar pero bias cya pg kaso n gma o jose pidal ang usapan. —09272333829; Kung ung iba patuloy na paloloko kay sen. barbers, ako hindi kc di ko sya iboboto kahit kailan. —09194168165; Nani2wala ako s mga icniwalat nina sen. lacson, tatad atbp n pilit n pinagta2kpan nna sens. Joker arroyo, barbers, secs mike defensor at bunye.  D ko iboboto c barbers. —09164221731;

D na dpat iboto c barbers dpat s kanya I lyfstyle chk kung saan nagmula ang mga mansion niya. —09173593280; Nani2wala me kay lacson at tatad. Dpat manalo c sen. lacson pra maipakulong nya c jose pidal. pati c Gloria grabe po talaga ang pglustay nya ng pera ng mga ma2yan t nman tau bulag. —09205747716;

Kami d2 sa ozamis city ay ayaw boboto sa mga kandidatong walang ibang hinahangd kundi ang sariling personal na interest.  Hoy barbers manggupit ka n lang bagay sa yo. —09186946059; Hindi ko iboboto si barbers lacson kami. —09206353053; Wlang  dpat iboto s k4. lahat sila expert sa pagnanakaw, dna cla kyang gamutin. —09187712856;

Kung sa akin lang hindi ko na iboto ang mga iyan puro pangako lalo na si barbers. Kayo mga taga surigao huwag nyo iboto si barbers. —09202203193; D nmin ibo2to c Robert barbers, cnungaling din cya kgaya ng mga amo nyang can Gloria at jose pidal, laganap kc ang droga d2 s lugar nmin wla clang aksyon. —09212791069; Di  ko iboboto c barbers alipores n don jose Miguel arroyo pidal, mgkano ya ibnayad s knya? For pres lacson ako, c madam cnora donya Gloria puro anomalya pti b nman maynilad d pnatawad ung mga pgppgawa at pgwawalis ng kalsada jan s mga larawan n mdam n puro p cute lng gnagmit pera ng bayan, mhiya nnman kayo, s tv, dyaryo puro pangungurakot n mdam pdal nkksawa n. —09205978016;

Naniniwala ako sa anomalyang icniwalat nila sen. lacson at tatad. —09177035273; D ko iboboto yng barbers na yan wla ng kredbilidad yan halata ang pgsipsip nya kay gma pra protksynan ang mga kaanak sya at mga kayamanan. —09192489628; Hndi ko iboboto c Robert barbers kc kinokonsente nya ang katiwalian ang pangu2rakot ng mga amo nya n c jose pidal at madam snyora dnya Gloria. —09185954116;

Bukas Nixon kua ptay kna hindi k na sisikatann ng araw wla kang utak panay ang banat mo kay pgma, ptay ka na bukas. –09204733068; Imbestigahan c barbers sa pagtakas ng lady pusher at wag iboto. —09206770874; Hndi ko iboboto yang barber dahil hambog at mayabang. —09193380616; Ngkamali  n tayo nung ibinoto ntin c sen barbers wag n sna ulitin ang pgkkmaling yon. —09192087551; Hndi ko na iboboto si Robert barbers ngaun may mga anomalya cla, napanood ko sa tv. Todo tanggii ng anak sa pagtanong ni mike enriquez kng kanino mga ari arian. —09195329858; Hndi ko na siya iboboto, nasayang lang ang boto ko kay sen. Barbers. —09194593975; Opo nani2wala po  ako sa mga paratang ni sen lacson at sna wag ng iboto pa c gma dhil naki2ta ntiin ang paggamit nya ng pondo ng bayan. —09198773653; Di  na dapat iboto  mga barbers wala naman gnawa kundi mga mansyon at malabo p mata kita  n  gawa nni  pidal kinampihan pa, mgkano kaya. —09196945913;

Oo naniniwala ako kay kit at ping. —09193492920; C  barbrs d yan pang senador bgay s kanya spokepersn n donya Gloria kc pngttakpan ang mga anomalya ni mrs pidal. —09197782538;   I  surely believe d expose of presidential bet ping lacson and co,  hanggang andyan c Gloria sa malakanyang tuluy2  ang grabe at lantarang garapalan  sa kakurakutan. —09194534056;

Oo  nnnwala  kmi na lhat ng isiniwalat ni sen. ping lacson  ay totoo gaya ng jose pidal. —09274674968; Huwag natin iboto c barbers sila  ang salot  sa surigao kaya maraming mga naghihirap sa mga  kababayann ntinn doon. —09162599200;

Barbers taga Mindanao  daw pro  wla namang ngawa sa Mindanao puro papogi lang gnawa nya kaya hindi ka naming ibobto sa mayy 10 dahit tuta k ni jose pidal. —09186559833; Ako po  naniniwala na corrupt ang gobyerno ntin, dpat plitan n c Gloria. —09165723211;

Ako gusto  ko manalo c lacson, crush  ko cya at matapang pa, kailangan natin ng kamay na bakal. —09206717142; Ako nnnwala kay lacson na 22ong magnanakaw c Gloria at yung asawa niya. —09274011694;  Hoy kayong  galit kay Gloria, wala kasi kayong  pinagaralan at puro  kayo mahirap, nabobo na kayo sa gutom. –09208163694. 

Para sa anumang reaksyon, sumulat lang sa [email protected] o kaya’y mag text sa  09272654341. Mapapakinggan  n’yo rin po ang inyong lingkod sa DZEC 1062 mula 4:30 hanggang 6:00 ng hapon, Lunes hanggang Huwebes.

vuukle comment

AKO

BARBERS

GLORIA

HNDI

IBOBOTO

LACSON

PIDAL

SEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with