^

PSN Opinyon

Community Mortgage Program para sa maralitang taga-lunsod

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
ISA sa mga pangunahing programa na isinusulong ng pamahalaan ay ang Community Mortgage Program (CMP) na naglalayong tumulong sa mga maralitang taga-lungsod o informal settlers na magkaroon ng kaseguruhan sa lupa. Ngayong Agosto ay 15 taon na ang programang ito.

Sa 15 taon ng CMP na ipinapatupad ng National Home Mortgage and Finance Corporation ay mahigit P4.128 bilyon na ang naipautang sa may 1,068 na proyekto ng CMP sa buong bansa. Sa mga proyektong ito, may 134,279 na pamilya na ang nakinabang sa proyektong ito. Ito po ang pinakamalaking halagang naipagkaloob sa maralitang taga-lungsod para sa ganitong pagpapautang sa pabahay.

Sa programang CMP po ay aktibo ang pakikilahok ng mga NGOs, pamahalaang lokal o LGUs gayon din po ang mga sangay ng gobyerno. Ang mga NGO originators po ang nangungunang originator na may katumbas na 52.78% na kabuuang proyekto, kasunod ang mga ahensiya ng pamahalaan na may 24.85% at pamahalaang lokal o LGUs na may itinala na 22.37% na pakikilahok. May 47 na NGOS ang aktibong lumalahok, 44 sa LGU at 2 sa ahensiya ng pamahalaan. Sa antas naman ng koleksiyon, ang mga NGOs ay may collection efficiency rating na 75.80%, 84.26% naman para sa ahensiya ng pamahalaan at 78.97% para sa mga LGUs.

Ang National Capital Region na may pinakamalaking bahagi ng napautang sa CMP, ay 82.47% ang antas ng pagbabayad, ang Region IV na kasunod sa laki ng napautang ay 72.42%, samantalang ang Region XI, na pinakamalaki ang natanggap na pautang sa Mindanao, ay may 81.19% na pagbabayad.

Kitang-kita po na ang CMP ay hindi lamang nakakatulong sa mga maralitang taga-lungsod ng Metro Manila kundi maging sa ibang bahagi ng bansa hanggang sa Mindanao.

vuukle comment

ANG NATIONAL CAPITAL REGION

CMP

COMMUNITY MORTGAGE PROGRAM

KITANG

METRO MANILA

MINDANAO

NATIONAL HOME MORTGAGE AND FINANCE CORPORATION

NGAYONG AGOSTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with