Malaya nga ba ang Pilipinas?
June 14, 2003 | 12:00am
DATI-RATI ang Independence Day ay ipinagdiriwang kung July 4th pero pinalitan ni dating President Diosdado Macapagal at ginawang June 12. Sa Kawit, Cavite unang iwinagayway ang watawat ng Pilipinas.
Pinagkakaabalahan at binibigyan ng kahalagahan ng mga pinuno ng pamahalaan ang pagdiriwang ng Independence Day tuwing June 12th. Halos sabay-sabay ang mga bonggang selebrasyon na ginaganap hindi lamang sa Kawit at Luneta kundi sa mga ibat ibang lugar ng Pilipinas na dinadaluhan ng mga pangunahing pinuno ng pamahalaan at ng mga opisyal ng ibang bansa.
Subalit, dapat nga bang kailangang ipagdiriwang natin ang kalayaan? Tunay nga bang may kalayaan na tayo? Ano pa ba ang kahulugan ng kalayaan? Totoo bang naging malaya na ang mga Pilipino mula pa noong 1898 o noong 1946? Makatotohanan bang sabihin na tunay na nabubuhay ang mga Pilipino sa sariling kayod, sipag at tiyaga na walang tulong mula sa ibang bansa?
Bullshit! A lot of craps! Tell it to the marines! Go to hell! Ganyan marahil ang mga madidinig natin sa mga banyaga na harapang isinisigaw sa mukha na walang katotohanan na sabihin nating ang Pilipinas ay tunay na malaya na at maaari nang ipagmalaki ng bawat Pilipino na nabubuhay tayo sa sariling pagsisikap at nagsasarili.
Marahil ay dapat nating harapin na talagang hindi pa malaya ang Pilipinas. Nakasandal pa rin tayo sa ibang bansa. Siguro nga ay ito ang masama. Umaasa pa rin tayo sa limos ng mga makapangyarihang bansa kung kayat hindi tayo makaahon-ahon sa ating sariling sikap. Para tayong isang bata na nabubuhusan ng napakaraming pera na kayat nilalaspag lamang ang lahat dahil may inaasahang may magbubudbod ng grasya. Gising mga Pinoy!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended