^

PSN Opinyon

Kotong cops, mistulang mga piranhang nag-aabang!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
MABUTI naman at nawala ang kaipokrituhan ni DILG Sec. Joey Lina, matapos na magpalabas siya ng bagong direktiba sa PNP na sugpuin ang mga kotong cops sa lalong madaling panahon. ‘‘Lacson formula vs kotong cops’’ yan Sir ah.

Marahil natutulig na ang kanyang tenga sa mga reklamong kanyang natatanggap mula sa mga tsuper sa lansangan. Ang siste kasi mga suki halos wala nang natitira sa mga kinikita ng mga tsuper sa araw-araw nilang pamamasada sa lansangan dahil halos lahat ng lansangan ay may mga piranhang nag-aabang.

Ayon sa aking mga nakausap na mga tsuper, ‘‘mabuti pa ng Kapanahunan ni PNP Chief Panfilo ‘‘Ping’’ Lacson, lahat ng mga pulis ay nagsitago sa kanilang mga presinto sa takot na sila’y mahuling nangongotong sa mga lansangan at maitapon sa mga lalawigan o kaya’y masibak sa serbisyo.’’

Kung sabagay tama itong aking mga nakausap. Sa ngayon, lantaran na ang kotong cops sa lansangan dahil ang mga ito ay walang takot kay PNP Chief Hermogenes Ebdane. Kasi nga mga suki ang karamihan sa kanila ay malalakas ang mga padrino kaya’t wala silang takot.

Maging si MMDA chairman Bayani Fernando ay hindi man lamang kinatakutan ng kanyang mga bataan. Halos lahat na yata ng sulok ng Metro Manila ay kinalatan na niya ng mga matitikas niyang bataang traffic enforcer ngunit bakit nagbubuhol pa rin ang trapik. Ang siste pala mga suki, pasok na ang mga malalaking bus operator sa mga ito kaya’t nagbubulag-bulagan na ang mga traffic enforcer sa mga ito.

Kung gagala lamang si Chairman Fernando sa Kamaynilaan sa oras ng gabi tiyak ko na manlalaki ang kanyang mga mata. Katulad na lamang dito sa panulukan ng Roxas Blvd. at Mia Road sa Tambo, Parañaque. Halos hindi makausad ang mga sasakyan dahil sa nagbalandrahan ang mga bus na nag-u-u-turn pabalik ng Baclaran.

Kaya’t tuloy ang mga kawawang biyaherong naghahabol na makasakay sa eroplano sa airport ay nanggagalaiti sa galit at maging ang nagmumula sa Cavite ay nababalam din dahil sa kawalanghiyaan ng mga balasubas na mga tsuper.

At maging sa C.M. Recto, Manila ay talamak ang kotongan. Alam ba ninyo? Mga suki na halos lahat ng mga jeepney passengers ay kinokotongan ng P15 kada biyahe ng mga kolektor ng mga pulis diyan sa Divisoria.

Ayon sa tsuper na nakausap ko, ‘‘P5 po ang hinihingi nila sa amin pagliko papasok ng Tutuban mall, P5 naman sa may C.M. Recto at P5 ulit pagdaan sa Roman St.’’ Ano ba ’yan mga Sir?

Dapat lamang na kumilos dito ang mga magagaling nating opisyales. Napapanahon na para ipatupad ito ni Secretary Lina kahit na ito’y kopya lamang sa pamamalakad ni Ping Lacson, he-he-he!

Pero kung gagamitin lamang ito ni Secretary Lina ang Lacson formula sa kanyang ambisyong makabalik sa Senado, masamang balita ito mga suki.

At sanay mamulat naman si Chairman Fernando. Huwag naman puro vendors ang inyong pinag-iinitan, walisin mo na rin itong mga illegal terminal sa buong Metro Manila.

Ano sa tingin mo Senator Lacson?

vuukle comment

ANO

AYON

BAYANI FERNANDO

CHAIRMAN FERNANDO

CHIEF HERMOGENES EBDANE

CHIEF PANFILO

LACSON

METRO MANILA

SECRETARY LINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with