^

PSN Opinyon

Maraming pera sa pinya

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
ANG Pilipinas ay pumapangalawa sa Hawaii bilang world’s largest pineapple producer. Ang ating pinya ay pinagkakakitaan ng pamahalaan dahil nga sa world class export quality nito. Ang pinya ang pangunahing industriya sa Mindanao.

Umaabot sa thousands of acres ang mga pineapple plantations sa Mindanao. Isa sa pinakamalawak na taniman ng pinya ay nasa Polomaloc, South Cotabato. Napag-alaman na 200,000 pinya ang inaani araw-araw ng Dole Pineapple Plantation. Sa daily harvest ay malaki ang buwis na ibinibigay sa gobyerno ng mga pineapple planters. Ang mga pinyang sumailalim sa masusing proseso ng pagsasa-delata ay mabili hindi lamang dito kundi sa iba pang Asian countries.

Tinalakay kamakailan ng BANTAY KAPWA ang industriya ng pinya at tinukoy ang mga pinyang Formosa ng Daet, Camarines Norte bilang pinakamatamis na pinya sa buong mundo. Ayon sa ilang pineapple planters sa Daet, kulang lang sila ng perang kapital para paunlarin ang industriya ng pinya sa kanilang lalawigan. Sa mga hindi nakakaalam, ang pinya ay mayaman sa calcium at iba pang minerals na kailangan ng katawan.

vuukle comment

AYON

CAMARINES NORTE

DAET

DOLE PINEAPPLE PLANTATION

FORMOSA

ISA

MINDANAO

NAPAG

PINYA

SOUTH COTABATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with