Ang pondo ng PSF ay mula sa kita ng kontrobersyal na Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Nasilat ang planong palawakin ang operasyon ng mga slot machine arcades na inaasahang magpapalaki sa kinikita ng PAGCOR na sa pagdaraan ng panahon ay dumarami ang mga programang tinutustusan.
Sa PSF umaasa ang mga programa tulad ng pabahay sa mga maralita at poverty alleviation. Kung minsan, kinakatok din natin ang PAGCOR kapag may dumudulog sa ating mararalita na nangangailangan ng tulong pinansyal sa gamot o pagpapaospital.
Ipinasya na ng PAGCOR na ilimita na lang sa mga hotel at tourist belts ang operasyon ng mga slot machine arcades bilang pagsunod sa utos ni Presidente Arroyo.
Ang mga arcades ay ginawa nang "for members only" at magpapatupad ng estriktong screening para hindi makapasok ang kabataan sa casino, ani PAGCOR chief Efraim Genuino.
Stop na rin ang plano na magtayo ng mga arcades sa mga mataong lugar gaya ng mga malls.
Bago makapasok sa casino o sa slot arcade, kailangang ikaw ay 21 taong gulang o higit pa. Hihingan ka muna ng ID para patunayan ito, at "show money" para ipakitang may sapat kang salapi para magsugal at hindi lamang ipinagbabakasakali ang kaunting pera na imbes na ipambili mo ng makakain ay baka ipatalo mo pa sa sugal.
Naging kontrobersyal kasi ang PAGCOR nang mapabalita ang balak na expansion program nito. Inakala ng marami na eengganyuhin pati ordinaryong tao, lalo na ang kabataan na magsugal. Malabo namang mangyari ito dahil bago ka makapasok sa casino, kailangang marami kang pera. Hindi naman parang jueteng ito o masiao na kahit pisoy puwedeng tumaya.
Pero okay na rin ang hakbang ng PAGCOR para mabura ang mga agam-agam at intriga.
Institutionalized na palibhasa ang PAGCOR bilang pinagmumulan ng malaking revenue ng kaban ng bayan.
Kung babagsak ito, pilantod ang national treasury. Ngayon nga lang ay umaangal na ang gobyerno sa malaking budget deficit, tapos babagsak pa ang PAGCOR.
Maraming mga proyektong tinutustusan ang PAGCOR pati na ang implementasyon ng ilang mahahalagang batas sa pangangalaga ng mga bata, pakikibaka laban sa droga at pagpapaunlad ng sports. Obligasyon iyan ng PAGCOR dahil nakasaad sa mandate nito.
Tulad ng sinabi ni Genuino, "the net earnings of PAGCOR will suffer due to these mandated obligations and will reduce considerably if not totally consume the Presidents Social Fund. Furthermore, PAGCORs operational and capital expenditure budgets including the salaries and benefits of our employees will eventually be adversely affected as well."