^

PSN Opinyon

Ang talinghaga ng sastre

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen. Juan M. Flavier -
ANG sastre (mananahing lalaki) ang pinakatanyag at may pinakamaraming kliyente sa buong bayan. Napakahusay ng kanyang trabaho. Ginagawa niya ang lahat at ibinibigay ang pangangailangan ng kanyang mga parukyano.

Dumaragsa ang trabaho ng sastre tuwing sumasapit ang piyesta at iba pang mahahalagang okasyon tulad ng kasalan, binyagan at iba pa.

Isang magsasaka ang nagsadya sa sastre para magpatahi ng pantalon at Barong Tagalog. Kahit na maraming tanggap na tahiin, kinuha pa rin ng sastre ang sukat ng magsasaka at ipinangakong makukuha ang ipinagagawa sa susunod na linggo. Ang magsasaka ay ninong sa isang kasalan kaya nagpatahi ng Barong.

Sumapit ang pinag-usapang araw subalit hindi pa rin natatapos tahiin ang Barong. Halatang inis ang magsasaka. Para hindi magalit, inimbitahan ng sastre ang magsasaka para magtanghalian sa karinderya malapit sa tahian.

Matapos umorder ng pagkain, nagpaalam sandali ang sastre para magtungo sa banyo. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakatayo sa pintuan ng banyo ang gobernador kaya nilapitan ito ng sastre.

"Kagalang-galang na Gobernador, ikinalulugod kong makita kayo," pagbati ng sastre. "Maaari n’yo ba akong pagbigyan sa isang kahilingan?"

"Oo naman," sagot ng may katabaang gobernador. "Hindi ko malilimutan ang ginawa mong pangangampanya para sa aking kandidatura. Ano bang hihilingin mo?"

"Maaari bang lumapit ka sa aking mesa bago umalis. Mayroon kasi akong kliyente na nais mapabilib."

Lumapit nga ang gobernador upang batiin ang sastre gaya ng hiniling nito. "Kumusta na ang aking paboritong mananahi," bati ng gobernador na may pagmamalaki.

Tiningala ng sastre ang gobernador na may pahiwatig ng kawalang interes at sinabi, "Hindi mo ba nakikita na ako’y abala, Ginoong Gobernador." Matapos nito, agad niyang hinarap ang magsasakang nagrereklamo at sinabi, "Kita mo na kung gaano ako kaabala ngayon."

vuukle comment

ANO

BARONG TAGALOG

DUMARAGSA

GINAGAWA

GINOONG GOBERNADOR

GOBERNADOR

MAAARI

MATAPOS

SASTRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with