Mainam na basahin natin ang talinghaga. Ibinigay sa atin ito ni Mateo. Dapat nating itala na sinasabi sa atin ng mga eksperto sa Bibliya na ang paliwanag tungkol sa talinghaga ay hindi nanggaling kay Jesus. Ito ay nanggaling kay Mateo (Mt. 13:24-30; 36-43).
Inilahad din ni Jesus ang talinghagang ito sa kanila. Ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: May isang taong naghasik ng mabuting binhi sa kanyang bukid. Isang gabi, samantalang natutulog ang mga tao, dumating ang kanyang kaaway at naghasik ng masasamang damo sa triguhan. Nang tumubo ang trigo at magkauhay, lumitaw din ang masasamang damo. Kayat lumapit ang mga alipin sa puno ng sambahayan at sinabi rito, Hindi po ba mabuting binhi ang inihasik ninyo sa inyong bukid? Bakit po may mga damo ngayon? Sumagot siya, Isang kaaway ang may kagagawan nito. Tinanong siya ng mga utusan, Bubunutin po ba namin ang mga iyon? Huwag,sagot niya. Baka mabunot pati trigo. Hayaan na ninyong lumago kapwa hanggang sa anihan. Pag-aaniy sasabihin ko sa mga tagapag-ani: Tipunin muna ninyo ang mga damo at inyong pagbigkis-bigkisin upang sunugin, at mga trigoy inyong tipunin sa aking kamalig.
Pagkatapos, iniwan ni Jesus ang mga tao at pumasok sa bahay. Lumapit ang kanyang mga alagad at sinabi sa kanya, Ipaliwanag po ninyo sa amin ang talinhaga tungkol sa masasamang damo sa bukid. Ito ang tugon ni Jesus. Ang Anak ng Tao ang naghahasik ng mabuting binhi. Ang bukid ay ang sanlibutan. Ang mga taong pinaghaharian ng Diyos ang mabuting binhi at ang mga taong pinaghaharian ng diyablo ang masasamang damo. Ang kaaway na naghasik ng mga iyon ay walang iba kundi ang diyablo. Ang pag-aani ay ang katapusan ng daigdig. Kung paano inipon ang mga damo at sinusunog, gayundin ang mangyayari sa katapusan ng daigdig. Kung paano Susuguin ng Anak ng Tao ang kanyang mga anghel, at iipunin nila mula sa kanyang pinaghaharian ang lahat ng magiging sanhi ng pagkakasala at ang lahat ng gumagawa ng masama, at ihahagis sa maningas na pugon. Dooy mananangis sila at magngangalit ang kanilang ngipin. At magliliwanag na parang mga araw ang mga matuwid sa kaharian ng kanilang Ama. Ang may pandinig ay makinig!
Bagamat sa paliwanag sa talinghaga sinasabi ni Mateo na ang bukid ay ang sanlibutan, ito ay maaaring iangkop sa atin sariling personal na buhay. May kabutihan sa ating mga puso. Subalit kung minsan tayo rin ay nakakapagbalak ng mga masasamang bagay sa ating isipan at puso. Magkahalo ang kabutihan at kasamaan. Bakit ito pinapayagan ng Diyos? Hinahayaan niya ito upang gawin tayong mapagpakumbaba. Hinahayaan niya ito upang makita natin na ang kabutihan ay di-nagmumula sa ating mga sarili. Ito ay tanging nagmumula sa kabutihan ng Diyos. Ibinabahagi niya sa atin ang kanyang kabutihan.
Maaari rin nating iangkop ito pagdating sa paghuhusga sa iba. Hindi natin kailanman maaaring malaman kung bakit ang mga tao ay gumagawi ng kanilang iginagawi. Hindi tayo dapat padalus-dalos sa ating paghuhusga sa kapwa.
Tanging ang Diyos lamang ang maaaring maghusga sa puso ng tao.