^

PSN Opinyon

Actress-TV host at kanyang maid,nag-away sa TV station

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
Alam n’yo bang nag-away ang actress-TV host at ang kanyang maid sa loob ng TV station?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Sen. Loren Legarda, Sen. Blas Ople, Martin Nievera, Japs Ramirez, Atty. Edmund San Juan ng Metrobank; Danny Diaz, Peachy King, Relson Cordero, James Lising at Allan Garcia.

Congratulations kay Managing Editor Tony Katigbak sa kanyang promotion sa Philippine Star.
* * *
Alam n’yo bang nag-eskandalo ang isang actress-TV host nang mag-away sila ng kanyang maid sa isang TV station sa Quezon City?

Ayon sa aking bubuwit, noong January 27, 2002, dakong 5:50 ng hapon ay nagkaroon ng eskandalo sa ABC-5. Ito ay dahil sa pagpapaalam ng maid sa actress-TV host. Malupit diumano ang nasabing actress-TV host sa kanyang maid kaya gusto nang umalis.

Dahil hindi makausap nang masinsinan ng maid ang actress-TV host sa kanilang tirahan, ang ginawa ng katulong ay sinundan ito sa Channel 5.

Ayon sa aking bubuwit, pinuntahan ng maid ang actress sa dressing room upang magpaalam at para kunin ang kanyang sahod.

Pero dahil sa ginawa ng maid ay nagalit ang actress. Ipinagtabuyan ito at pinagsabihan pa ang security guard na huwag nang palalapitin sa kanya ang ‘‘stupid maid.’’

Makalipas ang ilang minuto, bumaba ang actress kasama ang kanyang alalay na si Edwin Hilado. Pinuntahan ang maid at binigyan ng P100.00.

Siyempre nagreklamo ang maid, sahod ang kanyang hinihiling na bayad pero P100.00 lang ang ibinigay. Sabi naman ni Actress ay saka na siya babayaran dahil wala siyang pera. Nang tanungin ng maid kung kelan naman niya makukuha ang kanyang mga damit na naiwan sa bahay, saka na rin daw kunin.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, nang papaalis na ang kawawang maid sinigawan ni Actress ang kanyang maid…

‘‘You are the most stupid maid I ever had.’’


Sumagot naman ’yung maid at sinabing…

‘‘F____ you.’’


Naku, lalong nagalit si Actress at lalong pinagmumura ’yung maid. Mataray din ang maid at sinagot ulit ang actress. Sinabing… ‘‘Adik-adik!’’

Lalong nagwala si Actress, sinugod ang maid at saka binato ng sandal. Namagitan na ang security guard na si Jaime Erandio.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang actress-TV host na nagwala matapos sabihang ‘‘adik-adik’’ ng kanyang maid ay si actress…

Ito ay co-host ng game show na ‘‘Wheel of Fortune.’’

Ito ay si sexy actress V.L.

vuukle comment

ACTRESS

ALAM

ALLAN GARCIA

AYON

BLAS OPLE

DANNY DIAZ

KANYANG

MAID

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with