^

PSN Opinyon

Ano ang money laundering?

- Al G. Pedroche -
Natawa ako. Isang binatilyong tambay ang nagtanong sa akin kung ano ang money laundering. Puwede raw bang labhan ang pera?

Puwede, pero hindi literal na laba, sagot ko.

Nilagdaan na para maging ganap na batas ni Presidente Arroyo ang Anti Money Laundering bill. Sa ganitong paraan, madali na raw matutugis ’yung mga nagkakamal ng salapi sa paraang ilegal.

Noong araw na hindi pa masyadong uso ang negosyo sa droga, may prominenteng tao na yumaman nang dahil sa smuggling ng mga blue seal na sigarilyo.

Ganito ang paraan niya para ma-justify ang pagkakamal ng yaman: Inaabatan niya ’yung mga nananalo ng first prize sa sweepstakes at binibili niya ang ticket sa presyong doble ng napanalunan.

Iyan ang isang uri ng laundering o paglalaba ng maruming pera. Kaya lumilitaw na sobra naman ang suwerte ng taong ito na napakadalas magwagi ng primera premyo sa sweepstakes.

Sa panahon ngayo’y talamak pa rin ang money laundering. Mas marami ang mga gawaing labag sa batas tulad ng droga, pagnanakaw ng salapi ng bayan at marami pang iba. Ang limpak-limpak na kinikita sa mga kabuktutang ito‘y ini-invest sa mga legal na negosyo. Gumagamit ng ibang alyas upang hindi sumulpot ang pangalan ng magnanakaw sa investment o sa bank deposit.

Karaniwan, ang milyun-milyong piso (o dolyar) na kinulimbat ay sa ibang bansa idinideposito. Madalas isinososyo sa mga negosyo.

At pati mga grupong terorista ay gumagamit na ng ganitong strategy upang itago ang pinagmumulan ng kanilang pondo.

Si Osama bin Laden na umano’y utak at financier ng mga terorista ay may mga civic organizations, mga lehitimong negosyo, at kooperatiba sa buong mundo.

Pero ang mga iyan ay ‘‘front’’ lamang para ang kaniyang pondong gamit sa paghahasik ng lagim ay hindi kuwestyonin.

Lubhang napakahaba kung tatalakayin natin ang buong detalye ng bagong batas laban sa money laundering. Pero ang sabi ni Pres. Arroyo, ang mga banko ay hindi na magagamit na channel ng mga ‘‘naglalaba ng kulimbat na pera.’

Sa bisa ng batas, ang mga bank transaction na P4 milyon pataas ay puwedeng busisiin ng gobyerno, para alamin kung ang pera’y galing sa kasamaan o hindi.

Pero ito kaya’y fool proof and effective? Knowing the Filipinos as ingenious people, para ko nang nakikinita na gagawa at gagawa ng paraan ang mga kawatan to circumvent the law.

Dapat marahil, huwag lang pagkabilanggo ng 14-taon ang parusa dito kundi habambuhay without any chance for parole para matakot ang mga nais magkamal ng salapi sa paraang lisya at buktot. Pero tapos na ang batas.

I hope it works!

ANTI MONEY LAUNDERING

DAPAT

GANITO

GUMAGAMIT

KNOWING THE FILIPINOS

PERO

PRESIDENTE ARROYO

PUWEDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with