Isyu ng korapsiyon nais marinig ng mga Pinoy sa SONA - Pulse Asia

MANILA, Philippines — Halos tatlo sa 10 adult Pinoys o 29.8% ang nais na marinig kay Pangulong Marcos ang pagtalakay sa korapsiyon sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) na gaganapin sa Hulyo 27, batay sa survey ng Pulse Asia.
Sa mga nagsabi na nais nilang marinig ang korapsiyon sa SONA ay nasa 18.9% na gusto nilang talakayin ito ni Pang. Marcos sa ginagawa nilang mga pagsisikap upang imbestigahan at panagutin ang mga taong sangkot sa maanomalyang flood control projects sa bansa.
Nasa 10.9% naman ang tumukoy sa anti-corruption initiatives ng pamahalaan sa pangkalahatan.
Kabilang din sa mga isyu na nais marinig ng publiko sa SONA ay ang presyo ng mga pangunahing bilihin na nasa 18.7% na sinundan ng mga trabaho at livelihood opportunities na nasa 6.6%, kahirapan na nasa 6.2% at ilegal na droga na nasa 5.5%.
Kasama rin ang mababang pasahod na nasa 5.1%, mataas na presyo ng langis na nasa 4.9% at agricultural issues na nasa 4% naman.
Habang sa impeachment trial naman ni Vice President Sara Duterte ay nakapagtala lamang ng 1.2%.
Ang survey ay nilahukan ng 2,400 adults at isinagawa mula Hunyo 28 hanggang Hulyo 6.
- Latest















