^

Police Metro

Pag-frame up kay Recto nakita sa viber message nina Paras at talent manager

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — “May ebidensya na nagkaroon ng palitan ng mensahe sa viber sina dating congressman Jing Paras at naarestong bugaw sa sinasabing planong i-frame up si Executive Secretary Ralph Recto”.

Ito ang ibinunyag kahapon ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag matapos na pabulaanan na walang pangyayari at walang planong ganoon.

Hinimok ni Matibag? sina Batangas Cong. Leandro Leviste at dating Cong. Paras na lumutang sa imbestigasyon dahil ang pinanghahawakan nila ang mga salaysay ng arestadong talent manager at isa sa nasagip na babae, sa isinagawang pagsalakay sa isang hotel sa Maynila na nauugnay sa human trafficking.

Una nang naglabas ng pahayag noong Sabado ang abogado ni Paras na si Atty. Mark Kristopher Tolentino na tinanggi na sangkot ang kanyang kliyente sa nasabing criminal activity.

Noong Lunes ay sinubpoena ng NBI sina Leviste at Paras para dumalo sa Huwebes sa isinasagawang imbestigasyon sa nasabing plot laban kay Recto.

RALPH RECTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with