Mag-asawang senior dinale ng ‘akyat-bahay’, halos P5 milyong tangay
MANILA, Philippines — Hina-hunting na ng mga awtoridad ang isang hinihinalang kasapi ng “Akyat-Bahay Gang” na pumasok sa bahay ng mag-asawang senior citizen at tumangay ng halos P500,000 cash at mga alahas sa isang subdibisyon sa Calamba City, Laguna kamakalawa.
Batay sa CCTV footage, unang nakita ang suspek dakong ala-1:30 ng hapon ng Hulyo 30, 2026, na pagala-gala at nagmamasid sa loob ng subdibisyon. sa Barangay Parian, Calamba City.
Nalaman ng mag-asawang “Ed” at “Nena” ang nagaganap sa kanyang bahay dahil sa motion alert sa kanyang mobile phone na konektado ang application sa CCTV ng bahay at nakita sa live feed ang isang maskaradong lalaki sa loob.
Sa imbestigasyon, dumaan umano ang suspek sa isang bintana matapos alisin ang bakal nito at nang makapasok ay napansin na may CCTV camera na agad binunot. Umakyat din ang suspek sa ikalawang palapag at ginamit pa ang sariling mga kagamitan ng biktima upang sirain ang pinto ng kanilang kwarto.
Naniniwala si Ed na sa bintana dumaan ang suspek dahil nakasara ang lahat ng pangunahing pasukan ng bahay.
Natuklasan na natangay ang mga alahas at cash mula sa silid ng mag-asawa.
- Latest





















