^

Police Metro

Selosong abogado pumatay ng arkitekto

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Pinagbabaril ng isang abogado ang isang arkitekto kamakalawa sa loob ng isang campus sa Tacloban City, Letye.

Namatay noon din dahil sa tama ng bala sa dibdib ang biktimang si Archimedes Moscare, 50, arkitekto ng Leyte Normal University, isa sa pinakamatandang unibersidad sa naturang lungsod.

Ang suspek na tumakas ay kinilalang si Atty. Aquilino Mejica, 42.

Batay sa ulat, nangyari ang krimen bandang alas-12:17 ng tanghali sa mismong tanggapan ni Moscare sa ikalawang palapag ng unibersidad.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na selos ang posibleng dahilan ng pagpatay ng suspek sa biktima dahil ang misis ng una na si Carol ay kabilang sa Technical Working Group ng Leyte Normal University na madalas kasama ng biktima sa mga proyekto.

Nakunan ng Closed Circuit Television (CCTV) ng unibersidad si Mejica habang pinagbabaril ang biktima.

Ayon sa mga sekyu ng unibersidad na hindi nila iniinspeksyon ang suspek sa pagpasok nito para sunduin ang kanyang misis dahil kilala nila ito.

vuukle comment

JIMUEL PACQUIAO

MICHAEL PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with