May-ari ng container van kulong ng 20 taon at multa ng P1 milyon
Nagpasok ng hazardous waste mula Canada
MANILA, Philippines — Hinatulang makulong ng 12 hanggang 20 taon at pinatawan ng multang P1-milyon ang may-ari ng mga container van na nagpasok ng hazardous waste mula Canada sa Port of Manila noong Hunyo 23, 2013.
Ayon sa Department of Justice (DOJ), napatunayan ng Manila Regional Trial Court na nagkasala ng paglabag sa Republic Act No. 6969 o ang Toxic Substances and Hazardous and Nuclear Wastes Control Act of 1990 ang may-ari ng Chronic Plastics, na siyang nag-facilitate sa paglipat ng mga container van.
Sa desisyong isinulat ni Acting Presiding Judge Marlo Magdoza-Malagar noong Agosto 26, 2026, inabswelto naman ang dalawang customs brokers dahil limitado lamang ang kanilang partisipasyon sa pagpapalabas ng mga kargamento at kulang ang ebidensya na alam nila o lumahok sila sa pagkakarga ng mga ipinagbabawal na waste materials.
Unang nang idineklarang compressed plastic scrap ang nadiskubreng may halong hazardous waste na hindi deklarado at walang kaukulang clearance mula sa Department of Environment and Natural Resources.
- Latest
















