^

PSN Opinyon

Ang agila ng Davao, naging parrot ng China

BARDAGULAN - Ronald M. LLamas - Pilipino Star Ngayon

Sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, lumutang ang P319.33 milyong remittance mula sa mainland China sa Cale88 Foods Corp., kumpanyang may malaking share ang kanyang asawang si Manases Carpio. Ito ay ayon sa Anti-Money Laundering Council (AMLC).

Dahil dito, lalong lumakas ang mga tanong tungkol sa katapatan ni Sara sa Pilipinas, sa gitna ng kaliwa’t kanang pandarahas at panghihimasok ng China sa West Philippine Sea. Ang tanong ng mga mangingisda: “Binenta na ba kami at ang ating karagatan sa China?”

Ang sagot ni Sara: “Bawal ba talaga ang negosyo with China?”

Sambit pa niya: “Nagiging troublemaker tayo ng Southeast Asia.”

Thank you, Madam! Dahil sa iyong sagot, tila inamin mo na rin na tumanggap kayo ng milyones mula sa China.

Kung negosyo lamang ito, bakit hindi harapin nang direkta ang mga tanong tungkol sa pinagmulan, layunin, at legal na batayan ng milyun-milyong pisong remittance?

Kapansin-pansin din ang pagkakatulad ng pahayag ni Sara sa litanya ng Beijing.

Noong Hulyo 24, 2026, tinawag ni Chinese Foreign Mi­nistry spokesperson Lin Jian ang Pilipinas na “troublemaker” sa South China Sea. Wow! Carbon copy! Parehong-pareho ang linya. Nagkataon lang ba, o may script na sinusunod?

Iba talaga ang nagagawa ng milyon-milyong piso mula sa China, ano?

Ang agila ng Davao, ngayo’y tila maamong parrot ng China! Ginagaya ang mga linyang nanggagaling sa Beijing habang ang ating mga mangingisda ang sumasalo sa pandarahas nito.

Hindi masamang makipagnegosyo sa ibang bansa, kabi­lang ang China. Ang problema ay ang mga kuwestiyonableng mil­yones na dumaloy sa isang kumpanyang may dalawa lamang na empleyado. Ang problema ay ang pagtanggap ng milyones mula sa isang mapang-aping banyagang kapangyarihan habang pipi, bulag, at bingi sa karahasan at pang-aalipustang dinaranas ng mga mangingisda at frontliner sa West Philippine Sea.

Kung lehitimong negosyo ito, ilabas ang mga dokumento at sagutin ang mga tanong. Hindi sapat ang sagot na “Bawal ba?” kapag ang nakataya ay tiwala ng publiko at soberanya ng bansa.

Sa gitna ng impeachment trial, lalong mabigat ang mga tanong na dapat sagutin ni Sara. Ang masaklap, nahaharap ka na sa mga alegasyon ng plunder, China-funded traitor ka pa sa tingin ng marami.

IMPEACHMENT

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with