PSC aktibo sa kanilang national grassroots agenda
MANILA, Philippines — Ipinagpapatuloy ng Philippine Sports Commission (PSC) ang kanilang national grassroots agenda sa bawat rehiyon sa buong bansa.
“In every summit we attend, I always stress the creativity that every coach can play in producing new Olympians. All of you here, as ordinary coaches, are able to breed champions,” ani PSC Commissioner Edward Hayco sa pagbisita niya sa Kidapawan City.
Isa sa mga main topic na tinalakay sa mga idinaos na sports summit ay ang legal basis na maaaring magamit ng isang sports leader sa pagkuha ng suporta mula sa kanilang mga local government units.
Sa Cotabato province ay damang-dama ang suporta ng kanilang LGU sa grassroots program.
Ayon kay Kerwyn Pacifico, ang kintawan ng Cotabato Provincial Advisory Council for Sports, na ginagastusan ng probinsya ang kanilang mga local athletes.
Kaya naman sa nakaraang 2023 Batang Pinoy ay umakyat sa 25th overall ang Cobatato Province mula sa 71st placing noong 2022.
“Dito sa amin, basta mag-qualify ka, for training ka na. Walang palakasan. We provided them vitamins, pagkain, allowance, jackets, and mga equipment,” wika ni Pacifico.
Noong 2023 Batang Pinoy ay kumolekta ang probinsya ng 12 golds, 13 silvers at 17 bronzes.
- Latest