^

Metro

Libreng doxycycline ipamamahagi sa Maynila

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dahilan sa pagtaas ng kaso ng leptospirosis, mamamahagi ang pamahalaang lungsod ng Maynila ng libreng doxycycline sa mga residente nito.

Ito’y sa gitna na rin ng pagtaas ng mga kaso ng leptospirosis  sa lungsod ng Maynila dulot ng malalakas na pag-ulan kung saan maraming lugar ang lumubog sa baha.

Ang doxycycline ay isang uri ng antibiotic na gamit para mapigilan ang pagkalat ng leptospirosis mula sa isang seryosong bacterial infection na nakukuha sa paglusong sa baha na kontaminado ng ihi ng daga.

Sinabi ng pamahalaang lungsod na ang mga health centers at hospital ay magkakaloob ng libreng medisina para sa mga residente nito lalo na sa mga bahaing lugar.

Nilalayon nito na mabawasan ang bilang ng mga tinamaan ng impeksiyon mula sa leptos­pirosis lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with