14 arestado sa ni-raid na scam hub sa Parañaque

MANILA, Philippines — Dinakip ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang 14 katao matapos salakayin ang isang hinihinalang “online task job scam” hub sa Brgy. Tambo, Parañaque City.
Ayon sa imbestigasyon, ginagamit ng grupo ang app na “Telegram” para makahanap ngmabibiktima.
Modus ng grupo na kada miyembro ay may hawak na hanggang 600 accounts na pinadadalhan ng link.
Sa sandaling mabuksan ang link, pagagawain ng simpleng online task ang mga biktima gaya ng pag-like sa hotel packages.
Matapos nito, inuutusan ang mga biktima na gumawa ng Binance cryptocurrency account at maglagak ng pera.
Ipinapadala umano ang pera sa account na kontrolado ng babaeng Chinese na manager ng operasyon. Niloloko ang mga biktima na kikita o lalaki ang kanilang investment, ngunit nauuwi lang ito sa pagkalugi.
Dinala naman sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang menor-de-edad na nakuha sa operasyon.
- Latest


















