Tricycle driver, pinasabog ang ulo

MANILA, Philippines — Isang tricycle driver ang binaril sa ulo ng hindi pa nakikilalang suspek na sakay ng motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Dead on the spot ang biktimang si Antonio Pulga, 57, ng Panghulo, Obando, Bulacan.

Batay sa report na isinumite kay Malabon Police chief,PCol. Jay Baybayan, nangyari ang krimen dakong alas 6:50 ng gabi nitong Miyerkules sa Don Basilio Bautista Blvd, Brgy. Hulong Duhat, Malabon.

Sakay ng kanyang tricycle ang biktima at tinatahak ang kahabaan ng Don Basilio Bautista Blvd, Brgy. Hulong Duhat nang harangin ng isang lalaking sakay ng motorsiklo at binaril sa ulo.

Agad na tumakas ang salarin patungong ­Panghulo, Bulacan.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang pulisya upang matukoy at madakip ang suspek gayundin ang motibo sa krimen.

Nagsagawa ng dragnet operation ang mga tauhan ng Malabon Police pero nabigo silang madakip ang salarin.

Show comments