^

Metro

3 arestado sa mahigit P20 milyong shabu

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
3 arestado sa mahigit P20 milyong shabu
Ayon kay PDEA Director General Mozo Virgilio Lazo, sa dalawang operasyon nadakip ang mga drug suspects na sina Arnold Zaragoza Armamento, 49, taxi driver at Ansano Macapantad, 28 at Salahudin Amatonding, 29.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Aabot sa higit P20 milyon ang halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa magkahiwalay na  buy-bust operation sa Quezon City  at Pampanga.

Ayon kay PDEA Director General Mozo Virgilio Lazo, sa  dalawang operasyon nadakip ang mga drug suspects na sina Arnold Zaragoza Armamento, 49, taxi driver at Ansano Macapantad, 28 at Salahudin Amatonding, 29.

Sa Quezon City, ikinasa ng mga tauhan ni PDEA Special Enforcement Services chief Rogelito Daculla ang anti illegal drug operation dakong alas-12:17 ng tanghali  nitong Huwebes  sa isang mall sa  Cloverleaf, Balintawak Quezon City na nagresulta sa pagkakahuli kina  Armamento at Macapantad.

Bago ito, sumailalim sa dalawang linggong surveillance ang mga suspek na nagpapalit- palit ng lugar para sa ‘meet up’.

Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang vacuum sealed na hinihinalang shabu na may timbang na dalawang kilo at tinatayang nagkakahalaga ng P13.6 milyon at  cellphone.

Samantala, alas-7:55  naman ng gabi nitong Huwebes nang isagawa ang buy-bust sa harap ng isang hotel sa  Gugu, Bacolor, Pampanga kung saan nakalawit si Amatonding.

Nasa isang kilo ng  shabu na may stan­dard price na P6.8 mil­yon, cellphone,  boodle mo­ney at Toyota Vios ang nakuha  kay Amatonding.

Tiniyak ng PDEA na sumailalim sa intelligence at case build up ang  kanilang mga   drug operations.

Ang mga arestado ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dange­rous Drugs Act.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with