^

Metro

Pasok sa trabaho sa NCR government offices inagahan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

Simula na ng alas-7 ng umaga hanggang 4pm

MANILA, Philippines — Itinakda ng Metro Manila Council (MMC) ang oras ng pagtatrabaho sa lahat ng lokal na pamahalaan sa National Capital Region (NCR) sa alas-7 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon para sa susunod na linggo.

Laman ito ng resolusyon na inilabas ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) bilang isa sa hakbang na maibsan ang pagsisikip ng trapiko. Hiling din sa resolusyon na magsabatas sa pamamagitan ng isang ordinansa ukol dito.

“All government offices under the Local go­vernment Units located in the National Capital Region shall adopt a modified working schedule from 7:00 AM to 4:00 PM. In the Implementation thereof, the local government units located in the National Capital Region are hereby enjoined, ro enact their respective ordinances,” bahagi ng Metro Manila Council, MMDA Resolution No. 24-08 Series of 2024.

Ang tradisyonal na alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon na oras ng trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno ay sumasabay sa karaniwang oras ng pagtatrabaho sa mga pribadong kompanya, na nag-aambag sa pagsisikip ng trapiko sa Metro Manila, ayon pa sa resolusyon.

Epektibo sa Abril 15, 2024 sa lahat ng tanggapan ng gobyerno sa Metro Manila ang nasabing adjustments.

Una nang nanawagan sa pamahalaan ang Management Association of the Philippines na solusyunan at magdeklara ng state of calamity sa Metro Manila dahil sa lumalalang sitwasyon ng trapiko sa kabisera ng bansa.

vuukle comment

NCR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with