^

Metro

PNP, DILG officials, ilang ambulansya tinikitan sa EDSA busway

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naisyuhan ng citation ticket sa isinagawang operasyon ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) ang isang   SUV na sakay ang isang ‘di pinangalanang opisyal ng Philippine National Police (PNP), iba pang opisyal ng gobyerno at mga driver ng ambulansya  dahil sa paggamit ng EDSA busway.

Pinara ng traffic enforcer ang nasabing SUV na nangunguna sa 10 convoy sa EDSA busway, na may pribadong plate numbers at emergency lights.

Kabilang din sa natiketan ng SAICT  ang ang isang opisyal ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na gamit ang red plate na sasakyan  at ilang ambulansya  na walang dalang mga pasyente.

Umabot sa 16 na apprehensions ang nasabing operasyon Biyernes ng umaga.

Ang EDSA busway ay para sa eksklusibong paggamit ng mga awtorisadong bus na may espesyal na permit.

Pinahihintulutan naman na gumamit sa busway ang mga on-duty ambulance, fire truck, PNP vehicles, at service vehicle na gumaganap ng kanilang mga tungkulin para sa EDSA busway gaya ng construction, security, janitorial, at maintenance services.

Gayundin ang pinakamatataas na opisyal ng gobyerno na kinabibilangan ng Pa­ngulo ng bansa, Bise-Presidente, Senate Pre­sident, Speaker ng House of Representatives, at Supreme Court Justice.

vuukle comment

DILG

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with