^

Metro

Caloocan magpapatupad ng adjusted class schedule

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipatutupad na rin ng lokal na pamahalaan ng Caloocan City sa susunod na linggo ang adjusted class schedule ang mga pampublikong paaralan kasunod ng matin­ding init ng panahon.

Batay sa inilabas na adjustment schedule ng lokal na pamahalaan, kabilang ang mga estudyante sa Kinder hanggang Senior High School sa naturang adjustment sa darating na Abril 8-12, 2024.

Ayon sa Caloocan Schools Divisions Office, ang mga pang-umaga ay kailangang pumasok sa face-to-face class mula 6am-11:30am ng Lunes, Martes, at Biyernes (6am-9am), habang asynchronous naman tuwing Miyerkules at Huwebes.

Paliwanag ng Division of City Schools na depende sa mga admi­nistrator o namumuno ng mga pribadong paaralan ang pagsususpinde ng klase sa kani-kanilang eskwelahan para tugunan ang epekto ng init sa kanilang mga mag-aaral.

Inilabas naman ng Caloocan LGU ang schedule ng klase simula sa Lunes Abril 8 hanggang Abril 12 sa mga Daycare sa ilalim ng Early Childhood Care Development (ECCD).

Ang mga magulang ang kukuha ng mga aktibidad para sa kanilang mga anak sa mga daycare center.

Pinaalalahanan ding iwasang lumabas ng bahay kung tirik ang araw at ugaliing uminom ng tubig.

vuukle comment

CALOOCAN CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with