^

Metro

PCG: Walang naitalang maritime incidents ng Mahal na Araw

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iniulat kahapon ng Philippine Coast Guard (PCG) na wala silang anumang maritime incidents o mga hindi inaasahang pangyayari na naitala sa mga pantalan nitong Mahal na Araw.

Ayon kay PCG spokesperson Rear Admiral Armand Balilo, bagama’t nagkaroon ng mga pag-ulan sa ilang panig ng bansa nitong mga nakalipas na araw ay nanatili naman aniyang payapa ang karagatan at walang anumang maritime incidents na naganap.

Sa kabila naman nito, tiniyak ni Balilo na hindi sila magiging kampante at patuloy na magiging alerto lalo na ngayong nagsisimula nang magsibalikan sa Metro Manila ang mga mamamayang nagsiuwian sa kani-kanilang lalawigan upang doon gunitan ang Semana Santa.

“So far, pagdating sa maritime incidents, wala naman. Ayun nga ang magandang balita,” aniya sa panayam sa radyo.

Paniniguro pa niya, “Hindi tayo nagpapakampante, gagawin natin ang lahat ng security measures na ­in-implement natin papunta, para makauwi nang maayos ang mga kababayan natin at wala tayong maitalang maritime accidents.”

Mananatili rin aniyang nakataas ang alerto ng PCG hanggang sa makabalik na ang lahat ng biyahero sa Kamaynilaan ngayong Lunes, Abril 1, 2024.

Samantala, iniulat din naman ni Balilo na umaabot sa kabuuang 173,000 outbound passengers ang kanilang na-monitor at 152,000  sa mga ito ay base lamang sa kanilang tala hanggang noong Sabado.

vuukle comment

PCG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with