^

Metro

3-anyos patay, magulang sugatan sa banggaan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
3-anyos patay, magulang sugatan sa banggaan
Sa report na nakarating kay Bulacan Police Director PCol. Relly Arnedo, kinilala ang nasawi na si Margaux Alyson Verana, habang ang kanyang mga magulang na nagtamo ng mga pinsala ay sina Ronrick Verana at live-in partner na si Lalaine Llabore.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang isang 3-taong gulang na batang babae at sugatan ang kanyang mga magulang sa banggaan ng motorsiklo sa Sta. Maria, Bulacan kahapon ng madaling araw.

Sa report na nakarating kay Bulacan Police Director PCol. Relly Arnedo, kinilala ang nasawi na si Margaux Alyson Verana, habang ang kanyang mga magulang na nagtamo ng mga pinsala ay sina Ronrick Verana at live-in partner na si Lalaine Llabore.

Sa inisyal na imbestigasyon, aksidenteng nabangga ng isang berdeng Euro Viperman 150 na motorsiklo at walang plaka na minamaneho ni Ephraim Mungcal ang motorsiklong sinasakyan ng mga biktima na kulay abong Honda Click 125 na may plakang 328CPW, dakong alas-12:17 ng madaling araw samay Crossing malapit sa Waltermart sa Barangay Santa Clara.

Isinugod sa Rogaciano Mercado Memorial Hospital sa nasabing ba­yan ang magpamilya ngunit kalaunan ay binawian ng buhay ang bata.

Si Mungcal na nasa kustodya ng Sta. Maria Police Station ay nahaharap sa mga kasong reckless imprudence resulting in homicide, physical injuries at da­mage to properties.

vuukle comment

BULACAN POLICE DIRECTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with