^

Metro

Road rage suspek sa Quezon City tugis

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagsasagawa na ngayon ng beripikasyon sa Land Transportation Office (LTO) ang mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) laban sa driver ng isang SUV sa isa na namang insidente ng road rage kamakalawa ng umaga  sa nabanggit na lungsod.

Ayon kay PSSg Babes Bien Santos ng  QCPD, tumawag sa Street Watch 911 ang biktimang si Joey Sy, 36, operation manager at residente ng Lagro, ­Quezon City upang ireport ang driver na kanyang nakaalitan.

Ayon sa biktima, alas-9:30 ng umaga nitong Huwebes nang muntik na silang magkabanggaan ng driver ng Mitsubishi Montero sa ­Elliptical Road.

Ngunit pagdating sa panulukan ng  Quezon Avenue at West 4th, naglabas ng baril ang  driver ng  SUV.

Dahil sa takot, pinaharurot ng biktima ang   kanyang sasakyan patungong airport kung saan ihahatid ang kanyang pamilya.

Sa kawalan ng dash cam, piniktyuran na lamang ng biktima ang plaka ng sasakyan ng  suspek.

Inaaral na rin ng  pulisya ang  CCTV foo­tage sa lugar na maaa­ring makatulong upang malaman ang pangyayari.

vuukle comment

LTO

QCPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with