^

Metro

2 nagbebenta ng P.O. Box ng Philpost, arestado

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
2 nagbebenta ng P.O. Box ng Philpost, arestado
Pinasalamatan ni PhilPost Postmaster Gene­ral Luis Carlos ang mga tauhan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) -Anti Fraud Unit sa pamumuno ni PColonel Bernard Lao, makaraang masakote ang dalawang hindi pinangalanang suspek sa isang operasyon.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Timbog ang dalawang suspek sa isang tindahan sa Caloocan City na naaktuhan na nagbebenta ng mga P.O. (Post Office) Boxes na ninakaw sa loob ng Caloocan City Central Post Office (CCCPO), ayon sa Philippine Postal Corporation (PhilPost).

Pinasalamatan ni PhilPost Postmaster Gene­ral Luis Carlos ang mga tauhan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) -Anti Fraud Unit sa pamumuno ni PColonel Bernard Lao, makaraang masakote ang dalawang hindi pinangalanang suspek sa isang operasyon.

Unang nadiskubre na ninakaw ang mga P.O. Boxes sa CCCPO nang makita ang mga naka-post na “for sale” sa social media. May pamagat pa ang mga ito na “1921 historical Manila Central Post Office brass safety mailbox”.

Dito humingi ng tulong ang CCCPO sa pulisya na nagkasa ng entrapment operation. Isang operatiba ang kumontak sa seller at nakipagtransaksyon para mabili ang mga item.

Nagkasundo ang seller at ang buyer na magkita sa isang tindahan sa Caloocan City. Hindi na nakapalag ang mga suspek nang posasan sila ng mga pulis makaraan na magkabentahan at magkaabutan ng bayad na marked money.

Sa isinagawang imbentaryo, nabatid na 73 Post Office box cover na gawa sa bronze o tanso ang ninakaw sa Post Office ng Caloocan City.

Ayon kay Carlos, nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa PD 1612 o Anti-Fencing Law sa Caloocan City Prosecutor’s Office.

vuukle comment

CALOOCAN CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with