^

Metro

Rambol sa Caloocan: 1kritikal

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa kritikal na kondisyon ngayon ang isang pedicab driver nang tamaan ng bala sa nangyaring rambulan dalawang grupo ng magkakaibang barangay sa Caloocan City.

Inoobserbahan sa Manila Central University Hospital sa tinamong tama ng bala sa likod at kanang braso ang biktimang si Jasper Querol, 30, alyas Cholo ng Katarungan St., Brgy. 148.

Naaresto naman si Lawrence Aplacador, 19, ng Brgy. 153 at ang nasagip na 15 -anyos na si alyas Buda, habang pinag­hahanap pa ang iba pang mga suspek na si Arnel Reyes ng Brgy. 153, Raizon Dela Cruz, ng Brgy. 150, Jerome Castor ng Brgy. 153 at isa pang menor-de-edad na si alyas Axel. Sa ulat kay Caloocan Police Chief PCol. Ruben Lacuesta, nag-iinuman ang biktima at mga suspek, kasama ang dalawang menor-de-edad sa kanto ng Batangas at Cavite Alley, Brgy. 153 dakong alas 3:15 ng hapon nang magkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang sa mauwi ang mga ito sa rambulan.

Nagpaputok umano ng baril si Dela Cruz na ginantihan naman ng putok ni Reyes na tumama sa likod at kanang braso ni Querol na agad isinugod sa nasabing pagamutan.

Agad na nagsagawa ng follow up operations ang pulisya na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawa sa mga suspek.

vuukle comment

CALOOCAN CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with