^

Metro

Miyembro ng drug group, arestado

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang isang miyembro ng criminal group at dalawa pang indibidwal nang maaktuhan nagsusugal sa Taguig City, madaling araw ng Huwebes.

Sa ulat ng Taguig City Police Station, ang nadakip na si Bernie Descutido, 37, construction worker, na naberipikang kasapi sa ‘Loloy Drug Group’ at gun-for-hire.

Kinilala ang dalawang pang naaresto na sina Christian Joy Joel Ayatin, 20; at Christopher Jeff Mapili, 27.

 Dakong ala-1:00 ng madaling araw kahapon  nang madatnan ng mga pulis ang tatlo sa pagsusugal sa 7th St., Brgy. Katuparan, Taguig City, kung saan nakumpiska ang taya, habang si Descutido naman ay nakuhanan ng isang baril na kargado ng bala ng kalibre .38.

Nang isagawa ang beripikasyon, natuklasang si Descutido ay mi­yembro ng nasabing grupo criminal group.

Nakatakdang ipag­harap si Descutido ng reklamong paglabag sa Presidential Decree 1602 (illegal gambling) at ka­ragdagang reklamo para sa paglabag sa RA 10591 (Illegal Possession of Firearm and Ammunitions) habang ang dalawa ay paglabag sa PD 1602.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with