^

Metro

Ipatutupad na bawas-pasahe sa PUVs, nakalilito - transport group

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Ipatutupad na bawas-pasahe sa PUVs, nakalilito - transport group
Public utility jeepney drivers wait for passengers along Aurora Boulevard in Quezon City before dawn as fewer PUJs carry out their routes during the start of the weeklong transport strike on March 6, 2023.
STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng lider ng isang transport group na nagdulot ng kalituhan sa mga tsuper at mga pasahero ang anunsiyong bawas-pasahe o fare discount ng pamahalaan sa iba’t ibang pampublikong sasakyan.

Ayon kay Manibela national president Mar Valbuena, dapat ay pinag-aralan munang mabuti ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang bagong panuntunan at hindi muna ito inilabas sa publiko hangga’t wala pang malinaw na mechanics.

Sa ngayon kasi aniya, ang mga miyembrong “consolidated” na o iyong nasa ilalim na ng kooperatiba pa lamang ang makatatanggap ng subsidiya mula sa gobyerno para makapagpatupad ng bawas-pasahe.

Gayunman, mahirap aniya itong ipaliwanag sa mga pasahero dahil wala pang mechanics hinggil dito.

Nag-aalala rin aniya ang ilang tsuper na ibaba na kaagad ang pasahe kung wala pa namang kasiguruhan na may matatanggap silang subsidiya mula sa pamahalaan.

“Ang mahirap dito, papano ‘yung halimbawa doon sa ruta, hindi po makakasama doon sa diskuwento, eh wala pong sasakay doon sa kalahati na hindi makaka-avail ng subsidy,” ani Valbuena, sa panayam sa teleradyo.

“So may tumatakbong may diskuwento, may tumatakbo na walang diskuwento. Kawawa naman po ‘yung ‘di makaka-avail, wala na pong sasakay dito,” dagdag pa niya.

Matatandaang una nang inanunsiyo ng gobyerno na magkakaroon ng fare discount sa public utility vehicles sa ilang piling ruta sa Metro Manila.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr) at LTFRB, ibabalik sa P9 ang minimum na pasahe sa tradisyonal na jeep mula sa kasalukuyang P12; P11 sa modernized jeepney mula sa kasalukuyang P14, at mababawasan naman ng mula P3 hanggang P4 ang pasahe sa bus.

Pero nitong Biyernes, sinabi ng LTFRB na hindi pa ito makapagbigay ng takdang petsa kung kailan ipatutupad ang planong diskuwento sa pasahe habang hinihintay pa nila ang P1.2 bilyon na pondo para sa programa.

vuukle comment

LTFRB

PUV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with