^

Metro

5 Vietnamese, huli sa robbery extortion

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Limang Vietnamese national ang nalambat ng mga awtoridad sa isang entrapment operation kaugnay sa sumbong ng pagkulong sa isang kababayan nila at ipinatubos ng P250,000  para sa kalayaan, sa Makati City, iniulat kahapon.

Ayon kay Southern Police District (SPD) Director P/Brig. General Kirby John Kraft, ang mga inaresto ay pawang empleyado ng Jinzhou Technologies na kinilalang sina Thai Huy Tuan, 28; Phan Huu Dat, 25; Nguyen Ly Huynh, 30; Phan Van Thanh, 28; at Tran Trung Tuyen, 34, empleyado ng PBCOM Tower.

Sa ulat, dakong ala -1:30 ng madaling araw ng nang mada­kip ang mga suspek sa isinagawang entrapment operation ng Station Investigation and Detection Management Section ng Makati City Police Station, sa Leviste Street, Salcedo Village, Barangay Bel-Air Makati City.

Sa idinulog na reklamo ng biktimang si Do Mahn Tuan, bandang alas -11:00 ng gabi ng Disyembre 26, 2022,  tinawagan umano siya ng mga suspek at nanghihingi ng P100,000 at kung hindi maibibigay ay kikidnapin siya at ang kaniyang pamilya kaya ikinasa ang entrapment operation.

Nagsimula ang operasyon sa kahabaan ng Island Plaza na matatagpuan sa kahabaan ng Leviste St., Brgy. Bel-Air, Makati kung saan sinundan ng mga awtoridad ang biktima sakay ng pribadong kotse para makipagkita sa mga suspek . Nang tanggapin ng mga suspek ang entrapment money ay lumutang na ang mga pulis na sakay ng back-up mobile at inaresto ang mga suspek.

Narekober ang entrapment money at dalawang butcher’s knife na dala ng suspek na si Thai Huy Tuan.

Kasalukuyang nakakulong ang mga naarestong suspek sa Makati City Police Station habang inihahanda ang mga reklamo para sa Robbery Extortion laban sa kanila.

vuukle comment

VIETNAMESE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with