^

Metro

Mayor Vico, ‘di sasali sa ibang partidong politikal

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Mayor Vico, �di sasali sa ibang partidong politikal
Pasig City Mayor Vico Sotto speaks to the crowd in this photo from his Facebook page.
Facebook / Vico Sotto

Matapos magbitiw sa aksyon demokratiko

MANILA, Philippines — Hindi umano interesado si Pasig City Mayor Vico Sotto na sumapi sa iba pang partidong politikal matapos na kumalas sa partido ng Aksiyon Demokratiko kamakailan.

Ito ay dahil aniya sa mahinang political party system sa bansa.

Ayon kay Sotto, nais niyang manatili na lamang na independiyente.

Aminado naman ang alkalde na may mga partidong nag-aalok sa kaniya na sumapi sa kanilang partido ngunit tinanggihan na umano niya ang mga ito.

Ipinaliwanag niya na siya ay advocate ng mas malakas na political parties at political party systems sa bansa kaya’t hindi siya sasali sa isang partidong politikal para lamang sa kanyang sariling political gain.

“Hindi ako interesado,” aniya pa, sa isang chance interview kahapon.

Matatandaang kamakalawa ay kinumpirma ni Sotto ang balitang nagbitiw na siya bilang bise presidente ng Aksiyon Demokratiko.

Ipinaliwanag ni Sotto na pagkakaiba-iba ng kanilang paniniwalang pampolitika ang dahilan ng kanyang pagkalas sa partido.

Iginiit pa ng alkalde na ang tanging dahilan nang pagsapi niya sa isang political party ay kung naniniwala siya sa mga prinsipyo nito.

Tahasan namang sinagot ni Sotto ng “wala,” ang tanong sa kanya ng mga mamamahayag kung mayroon bang political party sa ngayon na katulad ng kanyang prinsipyo at ideyolohiya.

Umaasa rin si Sotto na magpapasa ang Kongreso ng mga batas na magpapalakas sa political party system sa Pilipinas dahil kailangang-kailangan aniya ito ng bansa sa ngayon.

Pinabulaanan rin naman ni Sotto na may plano siyang magtayo ng sariling political party at igiinit na siya ay  independiyente lamang at sa ngayon ay magpopokus muna siya paggampan ng kanyang tungkulin sa lungsod ng Pasig.

vuukle comment

VICO SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with