^

Metro

Broadcaster patay sa ambush sa Las Piñas  

Doris Franche, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Broadcaster patay sa ambush sa Las Piñas    
Hustisya ang sigaw ng pamilya ng pinaslang na brodkaster na si Percy Lapid na tinambangan ng riding-in-tandem sa Barangay Talon Dos, Las Piñas City Lunes ng gabi.Ang kanyang sasakyan na papasok sa gate ng BF Resort Village sa nabanggit na barangay na dito siya pinaputukan ng gunman.
Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — Isa na namang broadcaster ang nasawi makaraang tambangan ng riding-in-tandem, habang sakay ng kaniyang kotse sa Las Piñas City,  Lunes ng gabi.
Nakilala ang nasawi na si Percival Mabasa na mas kilala sa tawag na Percy Lapid , host ng online broadcast program na ‘Percy Lapid on Fire’ ng DWBL 1242  at naninirahan sa Talon 2 San Beda Homes ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Southern Police District-Station 4, naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng gabi sa may Aria Street sa Brgy. Talon Dos.
Minamaneho ni Mabasa ang kaniyang itim na Toyota Innova nang bigla siyang bundulin sa likuran ng isang puting Toyota Fortuner kaya napaitigil ang biktima.

Dito na bumaba buhat sa isang motorsiklo ang gunman at pinaulanan ng putok ng baril ang brooadcaster saka mabilis na nagsitakas lulan ng  kanilang mga gamit na sasakyan.
Nabatid na walang kasama si Mabasa nang tambangan siya ng mga salarin.  Dalawang piraso ng bala ng hindi pa nababatid na kalibre ng baril ang narekober sa lugar ng insidente.
Huli na nang makaresponde ang pulisya nang tuluyang makatakas ang mga salarin.  Agad na kinordon naman ang lugar at nangalap ng mga ebidensya ang mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO).  
Naghahagilap din ngayon ang pulisya ang mga kuha ng CCTV sa bisinidad ng lugar ng krimen at sa ibang mga kalsada para madetermina ang naging galaw at pagtakas ng mga salarin.

Binigyan naman ng  24 oras ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Police Brig. Gen. Jonnel Estomo ang pamunuan ng  Las Piñas police upang lutasin ang kaso ng pamamaslang sa veteran broadcaster na si Percy Lapid.

“I have given the investigator and the chief of police Police Colonel Jaime Santos, 24 hours to shed light on the matter and solve the case. We assure to provide an update as soon as available,” ani  Estomo.

Ayon kay Estomo, tinitiyak niya na  magiging mabilis ang pagresolba sa kaso at maibibigay ang  karapat dapat na hustisya sa pamilya ni  Lapid.

Sinabi ni  Estomo, tinitignan na ng mga imbestigador ang lahat ng mga posibleng motibo sa pagpatay kay Lapid kung saan nakikipag-ugnayan na rin sila sa pamunuan ng village para sa mga closed circuit television.

Bumuo na rin ng  Special Investigation Task Force -Lapid na binubuo ng mga pulis mula sa Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region (CIDG) at Intelligence Group of the Philippine National Police.

Tiniyak din ni Estomo na magiging patas ang  imbestigasyon at agad na ipaalam ang mga development sa kaso.

vuukle comment

PERCY LAPID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with