^

Metro

Caregiver huli sa pananakit sa 91-anyos na alaga

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kulong ang isang 68-anyos na caregiver matapos makunan ng closed-circuit television (CCTV) camera na sinasaktan ang kanyang  alaga na isang 91-anyos na lola sa Valenzuela City.

Nahaharap sa kasong slight physical injuries kaugnay ng Valenzuela City Ordinance na “Protection of Elderly Against Abuse” ang suspek na kinilala bilang si Alicia Cervantes, 68, ng Meycauayan City, Bulacan.

Ayon sa anak ng biktima na si Rodolfo, nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang kapatid na si Jean, na nagtatrabaho sa ibang bansa, at sinabi nito na nakita sa CCTV footage na sinasaktan ng suspek ang kanilang ina.

Ang naturang CCTV camera ay nakakabit sa bahay ng biktima sa Barangay Veinte Reales, Valenzuela City, at konektado sa cellphone ni Jean.

Nang suriin ni Rodolfo ang CCTV recordings, lumitaw na bumagsak ang kanyang ina sa sahig nang sapilitan itong hilahin ng suspek mula sa kanyang kinauupuan.

Nakita rin na nagmamakaawa ang biktima subalit hindi pinapansin ng suspek.

Dito na sila humingi ng tulong sa pulisya na nagresulta sa pagkakaaresto kay Cervantes.

 

vuukle comment

CAREGIVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with