^

Metro

Bangkay ng bebot, isinako itinapon sa Tullahan River

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nabingwit ng mga nagbabasura ang bangkay ng isang babae na pinaniniwalaang biktima ng summary execution na isinilid sa sako at saka itinapon sa Tullahan River, kahapon ng umaga sa Malabon City.

Dakong alas-8 ng umaga nang matagpuan ang bangkay sa Tullahan River na sakop ng Northern Hills Pro­perty Compound, Industrial Road Brgy. Potrero, Malabon.

Nangunguha ng basura si Alfredo Broa, 73, sa lugar nang madiskubre nito ang isang sako kung saan nakasilid ang katawan ng isang babae.

Agad ipinaalam ng saksi sa duty guard ang nadiskubre saka i-nireport ang insidente sa mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 1 na mabilis namang rumesponde sa lugar. Sa isinagawang pagsisiyasat ng pulisya, ang biktima ay may tattoo sa kanang binti at kaliwang bisig na nakasuot ng itim na sando at brown checkered short pants.

Naka-posas ang mga kamay ng biktima habang ang kanyang mga paa ay nakatali ng wire na nakakabit sa posas habang naka-balot naman ng masking tape ang kanyang mukha.

Patuloy naman ang follow-up imbestigasyon ng pulisya para sa posibleng pagkakilanlan ng biktima na dinala sa PNP crime laboratory para sa autopsy examination.

vuukle comment

TULLAHAN RIVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with