^

Metro

‘NBI consultant’, kasabwat tiklo: 2 Chinese na na-rescue pinatutubos

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
�NBI consultant�, kasabwat tiklo: 2 Chinese na na-rescue pinatutubos
Sina Larry Naperi Marbid, 48, at Laurence Delos Tria, 39, driver, na naaresto ng pulisya dahil sa tangkang pagpapatubos sa dalawang nasagip na Chinese national.
Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — Isang nagpakilalang consultant ng National Bureau of Investigation (NBI)  at kasabwat nito ang inaresto sa isinagawang  entrapment operation kaugnay sa pagpapatubos umano sa dalawang Chinese national sa isang POGO site sa Pasay City, kamakalawa ng gabi.

Iniharap ni  Southern Police District (SPD) Acting District Director P/Colonel Kirby John Brion Kraft sa mga mamamahayag ang mga suspek na kinilalang sina Larry Naperi Marbid, 48 , umano’y NBI consul­tant, na sasampahan ng reklamong robbery extortion o Article 293 ng Revised Penal Code; at Laurence Cathilira  Delos Tria, 39, driver, na ipaghaharap ng reklamong  obstruction of justice o Presidential Decree 1829, dahil sa tangkang pag-areglo.

Nabatid na ang dalawa ay naaresto sa operasyong ikinasa ng District Special Operation Unit ng SPD katuwang ang  Regional Inbtelligence Division ng National Capital Region Police Office  (NCRPO) sa tabi ng isang food chain sa Gil Puyat corner Taft Avenue, Pasay City dakong alas-8:30 ng gabi ng noong Linggo bunsod sa reklamong idinulog ng isang 25-anyos na babae.

Nabatid na nanghihingi ang mga suspect ng P250,000 sa isang Ronalyn, 25, online seller, para sa pagpapalaya sa 2 Chinese nationals na nasa kostudya ng NBI. Ang dalawang dayuhan umano ay kabilang sa 74 na dayuhang na-rescue  sa operasyon noong Set. 16, 2022 sa Sta. Lucia BPO Building, sa Pasig City.

“We are still investiga­ting. We have to validate kung sino talaga itong tao na ito (Marbid). Despite na may nakuha tayong NBI link sa kanya but that is still subject for validation.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with