P6.8 milyon nasamsam: 2 arestado
MANILA, Philippines — Nasa P6.8 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa isinagawang buy-bust operation ng Makati Police laban sa dalawang high value individual (HVI) na naaresto kamakalawa ng gabi sa Makati City.
Kinilala ni Makati City Police Station commander, P/Colonel Harold Depositar ang mga suspek na sina Moda R. Mimbalawag, 60 at Aslanie R. Mimbalawag, 23, college student. Nasagip din ang isang 16-anyos na ginagamit ng dalawa sa ilegal.
Sa ulat, dakong alas-11:13 ng gabi nang maganap ang buy-bust operation sa Kalayaan Avenue, Brgy. West Rembo, Makati.
Isang plastic ang narekober sa mga suspect na naglalaman ng 1 kilo shabu.
Inihahanda na ang mga kasong paglabag sa Sections 5, 13 at 26 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) na ihahain laban sa mga suspek habang ang menor-de-edad naman ay inilagak na sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
- Latest