Dalaga binoga, kritikal

MANILA, Philippines — Nasa kritikal na kondisyon ang isang dalaga matapos barilin ng isang negosyante, kahapon ng madaling araw sa Malabon City.

Tama ng bala ng baril sa dibdib ang tinamo ng biktimang si  Maria Angela Prado, 34, ng Kalayaan St., First Rainbow, Makati City. Kasalukuyan itong ginagamot sa Manila Central University (MCU) Hospital.

Nakapiit  na ang suspek na  si Vonrich Vina, 45, negosyante at residente ng Naval St., Brgy. Flores, Malabon City.

Inihahanda na ang kaso laban kay  Vina. Sa report na tinanggap ni Malabon police chief Col. Albert Barot mula kina PSSg Ernie Baroy at PSSg Mardelio Ostingdakong alas-4 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa bahay mismo ng suspek. Blangko pa ang pulisya sa krimen. Inaalam din kung may relasyon ang dalawa.

Nabatid na ang suspect na rin umano ang nagsugod sa biktima sa pagamutan na doon na rin inaresto ang suspect.  Narekober ng pulisya sa crime scene ang isang cal. 9mm pistol Glock na may isang magazine at kargado ng apat na bala.

Show comments