1K slots kada araw, ilalaan ng Pasig sa mga nais magpa-2nd booster
MANILA, Philippines — Naglaan ang pamahalaang lokal ng Pasig na makapagbakuna ng may 1,000 walk-in slots kada araw para sa mga nais magpa-2nd booster laban sa COVID-19.
Ayon sa Pasig LGU, first come, first served basis ang gagawin sa pagbabakuna para sa mga kwalipikadong senior citizen at medical frontliner.
Ang 2nd booster shots ay ginawa sa Pasig City Sports Complex kahapon at ngayong Sabado ay sa SM East Ortigas.
Pinapayuhan ng lokal na pamahalaan ang mga magpapa-2nd booster na magdala ng vaccination card at Pasig pass QR code para mabakunahan.
- Latest