^

Metro

‘Utak’ ng Facebook scam na nambiktima sa mga BBM supporters, arestado sa Muntinlupa

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa loob ng New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City nadakip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang itinuturong utak ng isang Facebok page na nang-i-scam ng netizens gamit ang pangalan ni Atty. Vic Rodriguez, chief of staff at tagapagsalita ni presumptive President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Nakilala ang naaresto na si Ryan Ace Castillejo, alyas Jose Villafuerte at alyas Kiko.  Inaresto siya habang sa loob ng NBP-Maximum Security Compound dakong alas-3 ng hapon nitong Lunes.

Sa rekord, unang nadakip ng NBI noong Abril 18 ang isang Casielyn Cardenas sa may Bocaue, Bulacan sa isang entrapment operation makaraan ang reklamo ni Rodriguez na ginagamit ang kaniyang pangalan para makatangay ng pera sa mga BBM supporters.

Nabatid na pinapatakbo ng grupo ang isang Facebook page gamit ang pangalan ni Rodriguez at nangangalap ng donasyon na ipamamahagi umano sa mga biktima ng bagyong Agaton. Nanghihingi umano ang grupo nina Cardenas ng P120,000 bilang shipping fee para sa tone-toneladang bigas.
Itinuro naman ni Cardenas ang isang alyas Kiko, na nakakulong sa New Bilibid Prisons na siyang nag-utos sa kaniya na magbukas ng isang account sa bangko para deposituhan ng pera na pambili ng kotse.
Sa intelligence operation, natukoy ng NBI ang isang Jose Villafuerte ang itinuturong alyas Kiko.  Ngunit nang puntahan nila sa BJMP-Camp Bagong Diwa, nabatid na nailipat na siya sa NBP dahil sa konbiksyon niya sa kasong “Qualified Theft”.
Dito tinungo ng NBI ang NBP at sa tulong ni Corrections C/Supt. Victor Erick Pascua ay natunton ang selda ni alyas Kiko na nabatid ang totoong pangalan ay Ryan Ace Castillejo, base sa rekord ng Manila Regional Trial Court Branch 27.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012) at ‘attempted estafa in relation to RA 10175.’

vuukle comment

FACEBOOK

SCAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with