^

Metro

Free 1-day unlimited pass, kaloob ng LRTA sa commuters na nagpabakuna sa LRT-2 stations

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binigyan ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ng libreng one-day unlimited pass ang mga train commuters na nagpaturok ng bakuna laban sa COVID-19 sa vaccination sites na inilagay sa kanilang mga istasyon ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) kahapon sa unang araw nang pag-iral ng Alert Level 1 sa National Capital Region (NCR) at ilan pang lungsod at lalawigan sa bansa.

Ayon sa LRTA, ang naturang free rides ay bilang bahagi nang pagsusumikap ng Department of Transportation (DOTR) na isulong ang pagkakaroon ng libreng public transport system sa bansa at bilang suporta sa COVID-19 vaccination drive ng pamahalaan.

“This free ride program aims to encourage more commuters to get vaccinated and boosted. We need to step up our vaccination efforts in order to ensure the safety and protection of our commuting public,” anang LRTA.

Nabatid na ang naturang pass ay balido sa one-day unlimited use at kaagad na ipagkakaloob sa mga pasahero matapos silang maturukan ng bakuna.

Ang naturang pass ay dapat na ipakita ng pasahero, kasama ang kanyang valid ID, sa security o station personnel sa pagpasok niya sa AFCS gates, upang mai-avail ang libreng sakay.

Matatandaang una nang naglagay ng mga vaccination sites ang LRTA sa Claro M. Recto at Antipolo stations ng LRT-2.

vuukle comment

LRT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with