^

Metro

F2F classes umarangkada sa NCR

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
F2F classes umarangkada sa NCR
Hugas muna bago aral, ang isa sa ipinatutupad na safety protocols sa pagbubukas ng limitadong face-to-face classes sa ilang paaralan sa National Capital Region (NCR) kabilang na dito ang St. Mary Elementary school sa Marikina City.
Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Umarangkada na ang pilot test ng face -to- face classes sa Quezon City kahapon.

Ayon kay Mildred delos Reyes, faculty president ng Payatas-B Annex Elementary School sa Payatas Quezon City, hindi nila pababayaan ang mga mag-aaral na mahawa ng COVID- 19 .

Anya naging maayos naman ang pag-arangkada ng unang araw ng pilot test ng face-to-face classes kahapon  sa gitna ng malaking banta ng Omicron variant ng COVID-19.

Sinabi ni  delos reyes,  mahigpit nilang ipatutupad  ang lahat ng pinaiiral na health protocol para protektahan ang kalusugan ng mga mag-aaral.

Ang Payatas-B annex Elementary School ay kabilang sa 28 mga paaralan na kalahok sa face-to-face classes sa National Capital Region (NCR) simula kahapon.

Ani delos Reyes, magpapalitan ang mga kinder at grade 2 na papasok ngayong unang linggo ng face-to-face classes habang grade 3 naman sa susunod na linggo. 

Samanta, sa Maynila tiniyak  ni Manila Vice-Mayor Honey Lacuna na ligtas ang implementasyon ng ‘pilot face-to-face classes’ sa dalawang napiling paaralan sa lungsod na inumpisahan na kahapon.

Sa pagbubukas nito, binisita ni Lacuna ang Aurora Quezon Elementary School at ang Ramon Avancena High School para masiguro na walang magiging problema ang mga mag-aaral at mga guro.

Sa Aurora Quezon Elementary Schoo, nasa 60 estudyante mula Kinder hanggang Grade 5 level ang kalahok sa pilot run, habang nasa 15 senior high students naman ng Ramon Avancena High School ang sumali.

“Napakaimportante nito dahil iba pa rin kasi talaga ang ginagawa natin na pagtuturo at pag-aaral kapag face-to-face,” ayon kay Lacuna.

Protektado umano ang mga bata habang nasa loob ng paaralan kontra COVID-19 dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng mga protocols at pagsunod sa mga panuntunan ng Department of Health (DOH). Danilo Garcia

vuukle comment

CLASS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with